Ang dating presidential spokesman na si Harry Roque at 49 iba pa ay kinasuhan ng qualified human trafficking. Ayon sa Department of Justice, nagsabwatan daw sila para sa trafficking activities ng Whirlwind Corp. at Lucky South 99 Outsourcing Inc. sa Porac, Pampanga.
Pinilit daw ang mga empleyado na magtrabaho bilang customer service representatives para sa illegal online gambling operations. May reports pa na nakaranas sila ng physical abuse, threats, at kinuha ang kanilang travel documents.
Si Roque umano ang naging legal counsel ng mga kumpanya at tumulong mag-renew ng business permits kahit alam niya raw ang illegal activities. Sa ngayon, humihingi siya ng asylum sa Netherlands.
Kasama rin sa mga respondents sina Cassandra Li Ong, Duanren Wu, Ronelyn Baterna, Dennis Cunanan, Han Gao, Norman Macapagal, Stephanie Mascareñas, at iba pa. Ang Lucky South 99 ay konektado rin kay dating Bamban Mayor Alice Guo, na iniimbestigahan bilang Chinese spy.
Nag-post si Roque sa Facebook, sinasabing political persecution daw ang ginagawa sa kanya. Pero ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Ty, hindi ito dahil sa politika, kundi dahil sa seryosong krimen ng human trafficking.