
Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagsampa ng multiple-tax evasion cases sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga illegal vape businesses sa bansa. Inihain nila ngayong araw ang kasong kriminal laban sa mga kumpanya na hindi umano nagbabayad ng buwis.
Ang mga negosyo na ito ay haharapin ang P8.7 billion na halaga ng tax evasion cases matapos magsampa ng kaso ang BIR. Ayon kay Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ang mga kumpanyang ito ay hindi nagbayad ng excise tax na kailangan upang maging legal ang kanilang operasyon sa vape business.
“Nagsampa kami ng kaso laban sa mga malalaking importers at distributors ng vape products, tulad ng Flava, Flare, at Denkat. Ang halaga ng mga hindi nabayarang vape products at excise tax ay humigit kumulang P8.7 billion,” pahayag ni Commissioner Lumagui.
Ipinagdiinan pa ni Lumagui na ang mga produktong ito ay walang legal documents at tamaraw stamps, na siyang indicator na ang mga vape products ay hindi legal. Ang hindi pagbabayad ng excise tax ay nag-udyok sa kanila na magsampa ng kaso laban sa mga negosyong ito.