
The Dessert 39 ay opisyal nang nagbukas ng unang branch nito sa SM Mall of Asia noong Disyembre 20, dala ang malawak na hanay ng 39 uri ng desserts mula sa iba’t ibang bansa na may Korean twist. Ayon kay Kyeong Kwangho, general manager ng Dessert 39 Headquarters, nagsimula ito bilang maliit na konsepto sa Itaewon, Korea at lumago sa halos 700 branches sa buong Korea sa loob ng isang dekada.

Ayon kay Kwangho, layunin ng brand na mag-alok ng mas masarap at mas healthy na desserts. Bukod sa Pilipinas, may planong magbukas sa US sa 2026 at may bagong branch sa Mongolia ngayong taon. Ang pagpasok ng Dessert 39 sa Southeast Asia ay sa pamamagitan ng The Bistro Group, na siyang nagdala ng brand sa bansa.
Ipinaliwanag ni April Sy, Vice President of Operations ng The Bistro Group, na lahat ng menu items ay kasalukuyang ginagawa sa Korea at dumadaan sa mahigpit na approval. May posibilidad ng LTO (limited time offering) sa hinaharap, ngunit kailangan munang i-coordinate sa kanilang Korean partners. Ang lokasyon sa Mall of Asia ay piniling mabuti dahil ito ang unang branch sa Pilipinas.

