The Disney ay nag-release ng unang opisyal na teaser para sa live-action remake ng Moana, na nagpapakita ng bagong itsura ng isla ng Motunui. Bida rito si Catherine Laga‘aia bilang Moana, at tampok din ang kanyang magandang boses at ilang eksena ng kanyang paglalakbay para iligtas ang kanyang isla at mga tao.
Sa remake na ito, babalik si Dwayne Johnson bilang Maui, ang demigod na tumutulong kay Moana sa kanyang adventure sa dagat. Bagong mukha naman si Laga‘aia na papalit kay Auli’i Cravalho, ang orihinal na voice actor. Kasama rin sa cast sina John Tui bilang Chief Tui, Frankie Adams bilang Sina, at Rena Owen bilang Gramma Tala.
Inanunsyo noong April 2023, ang live-action Moana ay ipapalabas sa mga sinehan sa July 10, 2026. Ito ang may pinakamaikling pagitan sa pagitan ng isang Disney animated film at ang live-action remake nito—halos 10 taon lang ang pagitan mula sa original.
Panoorin ang opisyal na teaser sa itaas.




