
The Department of Health (DOH) ay nag-ulat ng 112 fireworks-related injuries (FWRI) mula Disyembre 21–28, mas mababa ng 26% kumpara noong nakaraang taon. Metro Manila ang may pinakamaraming kaso (52), sinundan ng Ilocos Region (12), Central Luzon (9) at Western Visayas (9).
Karamihan sa mga biktima ay nasa edad 5–14, at 55 ay kalalakihan. Five-star ang nangungunang sanhi ng pinsala, kasunod ang boga, kwitis, piccolo, pla-pla, at whistle bomb. Marami rin ang nagsabing sila ay passive victims lamang.
Naitala rin ang 376 road crashes sa buong bansa—5.76% na mas mababa kaysa 2024. Pinakanaaapektuhan ang edad 15–29, at 73% ng insidente ay sangkot ang motorsiklo.
Sa Ilocos, winasak ng PNP ang 10,906 ilegal na paputok, bahagi ng pinaigting na kampanya para sa ligtas na selebrasyon. Sa kabuuan, 72,708 ilegal na paputok na nagkakahalaga ng ₱1.15M ang nasamsam at 23 ang naaresto sa 486 operasyon.
Nanawagan ang PAWS na iwasan ang paputok dahil sa matinding stress at panganib sa mga hayop. Hinikayat ng DILG at PNP ang mga barangay na manguna sa pagpapatupad ng ordinansa, makipag-ugnayan sa BFP, at tumawag sa Unified 911 sa oras ng emerhensiya.