
The apat na sasakyan ay nagkarambola sa Dau, Kilometer 88 ng North Luzon Expressway (NLEX) pasado alas-7 ng umaga nitong Linggo.
Ayon kay Robin Ignacio, Assistant Vice President for Traffic Operations ng NLEX Corporation, dalawa sa apat na sasakyan ang malubhang apektado. Mabilis umano ang ikatlong sasakyan, dahilan para lumala ang banggaan.
Sa paunang imbestigasyon, lumabas na hindi naipanatili ang safe braking distance ng mga sumusunod na sasakyan, habang biglang nag-slow down ang unang sasakyan sa hindi pa matukoy na dahilan. Dahil dito, bumangga ang ikatlong sasakyan at pumasok pa sa ilalim ng isang pickup truck.
Nagdulot ang insidente ng mahigit isang kilometrong trapik, na bumalik sa normal bandang alas-8:30 ng umaga. Nagkasundo ang mga sangkot at hindi na umabot sa PNP ang kaso.
Minor injury lamang ang tinamo ng driver ng ikatlong sasakyan, na agad dinala ng ambulansya para sa paunang lunas. Walang naiulat na malubhang nasugatan o namatay sa insidente.




