Ang Hot Toys nagpakilala ng bagong 1/6 scale Batman figure base sa suit ni Michael Keaton mula sa The Flash. Ipinapakita nito ang klasikong blue at grey suit na matagal nang hinahangaan ng mga tagahanga, kahit hindi ito lumabas sa pelikula.
Ang figure ay may taas na 30cm, may 30 points of articulation, bagong cowl head na may rolling eyeballs, at tatlong interchangeable face plates para sa iba't ibang ekspresyon. May kasamang wired cape, yellow utility belt, at iba pang accessories gaya ng Grapnel Gun, Batarang, at eight gloved hands.
Limitado ang release sa 1,500 units lamang at idinisenyo bilang tribute sa legacy ni Michael Keaton bilang Batman. Nilalayon nitong pagsamahin ang nostalgia ng pelikula at ang iconic na hitsura ng comics para sa mga tagahanga ng Keaton-era.





