
The bilyonaryong si Jeff Bezos ay opisyal nang pumasok sa AI race matapos ilunsad ang kanyang start-up na Project Prometheus, kung saan siya ay magiging Co-CEO. Ito ang unang malaking liderato niya mula nang umalis siya bilang CEO ng Amazon, na nagpapakita ng seryosong intensyon na makipaglaban sa industriya ng artificial intelligence.
The Project Prometheus ay nakatutok sa pagbuo ng next-generation AI models na may kakayahang magbigay ng generalized intelligence. Sinabi ng mga eksperto na makikipagsabayan ito sa malalaking pangalan tulad ng OpenAI at Google DeepMind, gamit ang malawak na resources at engineering mindset ni Bezos.
Makakasama niyang Co-CEO si Vik Bajaj, isang chemist at physicist na dating ka-trabaho ni Sergey Brin sa Google X. May panimulang pondo ang kumpanya na $6.2 billion USD, at plano nitong gamitin ang AI sa paggawa ng spacecraft, sasakyan, at computer.
Aasahan na malaking pagbabago ang ihahatid ng pagpasok ng Project Prometheus, lalo na’t may halos 100 empleyado na ito ngayon at kumukuha pa ng top talent mula sa OpenAI, DeepMind, at Meta. Nakatakdang ilabas ng kumpanya ang kanilang unang research goals sa susunod na taon.

