
The Quiapo Church ay naglabas na ng schedule at kumpletong ruta para sa 2026 Traslación na gaganapin sa Enero 9, 2026. Muling ibabalik ang full procession sa mga kalsada ng Maynila matapos ang ilang taon ng pagbabago sa tradisyon.
Ayon kay Fr. Robert Arellano, ang piyesta ng Poong Itim na Nazareno ay magsisimula mula Disyembre 31, 2025 hanggang Enero 9, 2026. Ang misa mayor ay pamumunuan ni Bishop Rufino Sescon bago magsimula ang malaking prusisyon mula Quirino Grandstand.
Magpapatupad ng restrictions ang lungsod upang mas maging maayos ang galaw ng tao. Bawal ang mga vendor sa paligid ng Quiapo Church mula Enero 7–9 para sa seguridad at crowd control.
Narito ang opisyal na ruta:
Quirino Grandstand → Katigbak Drive → Padre Burgos St. → Finance Road → Ayala Bridge → Palanca St. → Quezon Blvd. → Arlegui St. → Fraternal St. → Vergara St. → Duque de Alba St. → Castillejos → Farnecio → Arlegui → Nepomuceno → Concepcion Aguila → Carcer → Hidalgo → Plaza del Carmen → Bilibid Viejo → Gil Puyat → J.P. de Guzman → Hidalgo → Quezon Blvd. → Palanca → Quezon Bridge → Villalobos → Plaza Miranda → Quiapo Church.
Milyun-milyong deboto ang inaasahang lalahok, kaya inaalerto na ang publiko na maghanda sa matinding trapiko, mahabang lakaran, at higpit sa seguridad sa lugar.




