The Leica SL3 Reporter ay ginawa para sa photojournalists, documentary creators, at mga gumagawa ng content na nasa matitinding lugar. May matibay na dark green finish at aramid fabric grip para hindi madulas at pang-long term ang gamit.
Gawa sa mataas na German craftsmanship, ang camera ay may 60MP sensor, mabilis na autofocus, at maayos na workflow gamit ang Leica FOTOS app. Dinesenyo rin ito na walang pulang Leica dot para mas low-profile at mukhang pro gear.
Matibay ang katawan ng camera at puwedeng gamitin kahit sa mas mahirap na environment. Ang design nito ay nagde-develop ng sariling patina habang tumatagal, kaya mas nagmumukhang classic at premium.
Available na ang Leica SL3 Reporter sa mga physical stores at authorized retailers. Naka-presyo ito ng humigit-kumulang ₱468,000 (converted from $7,995 USD).




