
Lunes ng madaling araw, Nobyembre 10. Dalawang bata ang namatay habang tatlo ang sugatan.
Cagayan Valley police iniulat na nangyari ang aksidente bandang alas-2 ng umaga habang natutulog ang pamilya Paulino sa kanilang bahay. Bumagsak ang concrete wall sa kanila sanhi ng landslide.
Nailista ang mga namatay na kambal na 5-anyos, idineklarang dead on arrival sa Lt. Tidang Memorial Hospital. Sugatan naman ang kanilang mga magulang na sina Victor Paulino, 39, at Coleene Paulino, 40, pati na rin ang kanilang 8-anyos na anak na babae.
Iniulat sa pulis bandang alas-3:30 ng umaga ang landslide kaya agad rumesponde ang Kayapa Police Station at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office. Nahirapan ang rescue dahil sa bara ng kalsada at bumabagsak na debris.
Barangay Balangabang Chairman Fidel Dino at mga residente tumulong sa pagdala sa mga biktima sa ospital.




