
Ang Red Dead Redemption 2 ng Rockstar Games ay pumangat bilang ika-4 na pinakamabentang video game sa kasaysayan, matapos umabot sa mahigit 79 milyong kopya na nabenta.
Ayon sa ulat ng parent company na Take-Two Interactive, ang RDR 2 ang pinakamabentang laro sa US sa nakalipas na pitong taon batay sa kabuuang kita. Sa kasalukuyan, tinatayang umabot na sa ₱253 bilyon (batay sa presyong ₱3,200 bawat kopya) ang kabuuang bentahan ng laro.
Ang buong Red Dead Redemption franchise ay mayroon nang 106 milyong kabuuang bentang kopya. Sa listahan ng lahat ng panahon, nasa likod ito ng Wii Sports (82.9 milyon), Grand Theft Auto V (220 milyon), at Minecraft (350 milyon).
Noong nakaraang taon, pumuwesto ang RDR 2 bilang ika-6 na pinakamabentang laro, matapos maabot ang 77 milyong kopya. Sa patuloy na pagtaas ng benta nito, pinapatunayan ng larong ito ang malakas na suporta ng mga manlalaro sa buong mundo.
Sa ngayon, nananatiling isa ang Red Dead Redemption 2 sa mga larong may pinakamalalim na kwento, makatotohanang graphics, at pinakamalaking open-world gameplay na hinahangaan ng marami.



