
Ang Mundo Pixar Experience ay darating sa London sa Pebrero 13, 2026. Isa itong malaking immersive at multi-sensory exhibition na magdadala sa mga bisita sa mga sikat na mundo ng Pixar.
May lawak itong 3,500 square meters at tampok ang 14 na Pixar universes, kabilang ang mga paborito tulad ng Toy Story, Monsters Inc., Coco, Up, at Cars. Sa bawat area, mararanasan ng mga bisita ang makatotohanang disenyo, tunog, at amoy na parang nasa loob ng pelikula.
Isa sa mga pangunahing atraksiyon ay si Andy’s Room mula sa Toy Story, kung saan mararamdaman mong isa kang laruan. Maaari ring maranasan ang Scare Floor mula sa Monsters Inc. at Headquarters ni Riley mula sa Inside Out 2. Mayroon ding bagong eksklusibong silid na ilalabas lamang sa London edition.
Bukod sa mga eksena, may Pixar Ball Treasure Hunt din kung saan maaaring maghanap ng mga nakatagong bola sa paligid ng exhibit.
Ang presyo ng ticket ay inaasahang katumbas ng humigit-kumulang ₱2,000 pataas, depende sa araw at oras ng pagbisita. Bubuksan ito sa Wembley Park, at siguradong magiging paboritong destinasyon ng mga pamilya at fans ng Pixar.



