
Ang CFMOTO Flagship Store ay opisyal nang binuksan sa Lipa City, Batangas sa pamamagitan ng Motostrada at dealer partner nitong New Nemar. Kilala ang CFMOTO bilang isa sa mga mabilis lumalaking motorcycle brands sa bansa, na may mga adventure bikes, scooters, roadsters, electric models, at ATVs.
Layunin ng bagong tindahan na mapalapit ang CFMOTO showroom experience sa mga riders sa Southern Luzon. Ayon kay Michelle Mojares-Fabie, presidente ng New Nemar Corporation, ang pagbubukas ng flagship store ay simbolo ng pagtutulungan upang itaguyod ang innovation at magbigay inspirasyon sa mga riders na mangarap at maranasan pa ang higit pa sa motorcycling.
Binanggit din ni Fabie na ang N Lifestyle brand ng New Nemar ay naglalayong gawing makabuluhan ang bawat ride — isang komunidad na nagtataguyod ng kalayaan, koneksyon, at pakikisama. Sa Motorrad Alley Lipa, buhay ang layuning ito sa bawat rider na dumadayo.
Matatagpuan ang CFMOTO Flagship Store sa loob ng 2-ektaryang Motorrad Alley complex sa gitna ng Lipa City. Kumpleto ito sa lineup ng CFMOTO — mula sa adventure bikes, roadsters, electric scooters (ZEEHO), ATVs, apparel, spare parts, at serbisyo.
Ang bagong bukas na tindahan ay nagbibigay ng oportunidad sa mga rider sa Batangas at karatig probinsya na makaranas ng premium showroom at alamin kung bakit patuloy na lumalawak ang CFMOTO sa Pilipinas.



