Ang Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos ay nagsabing hindi gustong lusubin ng China ang Taiwan. Ipinahayag niya ang tiwala sa magandang relasyon nila ni Chinese President Xi Jinping, na makikita niya sa pulong sa South Korea ngayong buwan.
Tinanong si Trump tungkol sa ulat ng Pentagon na posibleng target ni Xi ang 2027 para sakupin ang Taiwan, isang bansang may sariling pamahalaan ngunit inaangkin ng China. Ayon kay Trump, "Ayos lang tayo sa China. Ayaw nilang gawin ‘yon."
Binigyang-diin ni Trump na malakas ang militar ng Amerika at walang bansa ang gustong makipagsabayan dito. Aniya, “Mayroon tayong pinakamagandang kagamitan sa militar. Walang magtatangkang guluhin ‘yan.”
Dagdag pa niya, naniniwala siyang magiging maayos ang ugnayan nila ni Xi tungkol sa Taiwan at iba pang isyu. Layunin daw niya ang makamit ang patas na kasunduan sa kalakalan sa China. Tumanggi siyang sagutin kung handa siyang isakripisyo ang suporta sa Taiwan kapalit ng kasunduan.
Sinabi ni Trump, “Mahal ko ang relasyon ko kay President Xi. Maganda ang samahan namin.” Sa ilalim ng batas ng U.S., obligadong tulungan ng Amerika ang Taiwan sa pamamagitan ng pagbibigay ng armas para sa depensa nito, na tinatayang nagkakahalaga ng higit ₱500 bilyon.