Ang isang malakas na pagsabog ay naganap sa pabrika ng paputok sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan nitong Miyerkules, Oktubre 22, 2025. Ayon sa ulat, nagresulta ito sa mga nasawi at pagkasira ng mga bahay at gusali sa paligid.
Bandang 11:15 ng umaga nang mangyari ang insidente, at agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection upang kontrolin ang sitwasyon. Aabot sa 200 metro mula sa pinangyarihan ng pagsabog ang naapektuhan ng pinsala.
May mga larawan sa social media na nagpapakita ng mga biktima na natabunan ng dahon ng saging, habang patuloy pa ring tinutukoy ng mga awtoridad ang eksaktong bilang ng mga nasawi.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga opisyal ang sanhi ng pagsabog. Ayon sa mga ulat, malaki rin ang halagang pinsala na posibleng umabot sa milyong piso dahil sa lakas ng pagsabog at lawak ng epekto nito.
Patuloy ang pagtugon ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga naapektuhang residente at masiguro ang kaligtasan sa lugar.