
Ang dating DPWH engineers na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza ay humarap sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) tungkol sa anomalya sa flood control projects. Dumating silang naka-bulletproof vest at sinamahan ng mga pulis at Senate Sergeant-at-Arms.
Sina Alcantara, Hernandez, at Mendoza ay nagsiwalat ng mga pangalan ng ilang mambabatas na umano’y sangkot sa budget insertions at kickbacks para sa flood control. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang ICI hinggil sa pagdinig.
Samantala, si Mayor Benjamin Magalong, espesyal na tagapayo ng ICI, ay nagkumpirma na handa si Hernandez na isuko ang kanyang mga luxury cars kabilang ang ₱30 milyon Lamborghini Urus, isang Ferrari, at iba pang motorcycle.
Ayon kay Magalong, ang mga sasakyan ay ilalagay muna sa custody ng ICI bago magkaroon ng tamang disposisyon ayon sa batas. Kasalukuyan ding kumukuha ng ebidensya ang CIDG sa bahay ni Hernandez.