
Ang CAMBODIA ay nagsabi na ang THAI MILITARY ay nagbagsak ng DALAWANG BOMBA sa POIPET, isang kilalang CASINO HUB at border area ng Cambodia at Thailand, noong Huwebes ng umaga.
Ayon sa DEFENSE MINISTRY NG CAMBODIA, nangyari ang pambobomba bandang 11:00 A.M. sa BANTEAY MEANCHEY PROVINCE. Hanggang hapon, wala pang pahayag ang THAILAND tungkol sa insidente.
Dahil sa muling BORDER CLASH, umabot na sa 21 ANG NASAWI SA THAILAND at 17 SA CAMBODIA, habang halos 800,000 KATAO ang napilitang lumikas. Ugat ng gulo ang matagal nang TERRITORIAL DISPUTE at mga lumang TEMPLO sa hangganan ng dalawang bansa.




