
Ang isang magsasaka sa Laoang, Northern Samar ay isinauli ang napulot niyang bag na may lamang P60,000, cellphone, passport, at dalawang mamahaling relo.
Kinilala si Pobleo Narca, 53-anyos mula Barangay Olares, na nakakita ng bag sa kalsada noong Linggo. Agad niyang dinala ang bag sa Laoang Municipal Police Station.
Nakita naman ng may-ari na si Cristina Sharpe ang post ng pulisya sa social media at kumilala sa pagbabalik ng kanyang gamit. Nahulog aniya ang bag mula sa ibabaw ng sasakyan habang nagbibiyahe.
Ayon kay PCapt. Nimrod Holares, hepe ng pulisya sa Laoang, bibigyan nila si Narca ng commendation at munting regalo bilang pasasalamat sa kanyang kabutihan.
Magbibigay din ang Laoang government ng karagdagang pagkilala at regalo para sa halimbawa ng katapatan at tapat na asal.




