
Ang ilang kalsada sa Makati ay pansamantalang isasara ngayong Biyernes, December 19, dahil sa MMFF 2025 Parade of Stars, ayon sa MMDA. Magsisimula ang parada ng 1:00 PM.
Daraan ang parada sa 8.4 kilometro na ruta: Macapagal Boulevard, Sen. Gil Puyat Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, J.P. Rizal Street, at A.P. Reyes Avenue, at magtatapos sa Circuit Makati.
Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na umiwas sa ruta ng parada dahil inaasahan ang matinding traffic. Magkakaroon ng temporary lane closures at stop-and-go scheme, kaya mainam na gumamit ng alternatibong ruta.




