
Ang Toyota Motor Philippines ay nag-aalok ng pinakamalaking promos ngayong Disyembre para mas maraming Pilipino ang makabili ng dream car nila.
Makukuha ang bagong Toyota Ativ 1.5 HEV CVT sa down payment na P179,700 sa Pay Low Option. Kasama rito ang free first-year insurance, libreng LTO registration sa loob ng tatlong taon, at walang chattel mortgage. Puwede ring bayaran hanggang 60 buwan. Para sa cash buyers, may savings na P120,000.
Para sa mas malaking sasakyan, puwede makuha ang RAV4 2.5 XLE HEV CVT sa straight cash at makatipid ng P300,000. Ang Zenix Q HEV, Camry 2.5 V HEV, Yaris Cross HEV, at Corolla Cross HEV ay may cash discount na P180,000–P230,000 depende sa modelo.
May special zero percent interest financing para sa hybrid models gaya ng Corolla Cross, Yaris Cross, at Zenix. Flexible ang down payment mula 15 hanggang 50 porsyento at puwede sa 12–36 buwan na terms. Ang selected Tamaraw variants ay puwede rin sa zero percent interest at flexible terms hanggang 48 buwan.
Bukod dito, may Service Discount Voucher na P1,200 para sa Tamaraw, Rush, Corolla Altis, at Wigo na puwede gamitin sa mga regular check-ups. May libreng one-year insurance din para sa Vios, Wigo, Avanza, Veloz, Innova, Fortuner, at Hilux na binili sa promo period.




