
Ang cybercrime ay inaasahang magiging ganap na automated na “industry” sa 2026 dahil sa AI, ayon sa Trend Micro. AI systems ngayon kaya nang patakbuhin ang buong criminal operations, mula sa paghahanap ng kahinaan hanggang sa pag-atake at pag-extort ng biktima.
Generative AI, agentic systems, at automation ay nagpo-produce ng polymorphic malware, deepfake scams, at patuloy na intrusion campaigns na nag-a-adapt sa real time. Hybrid cloud, AI supply chains, at over-privileged digital identities ang inaasahang pinaka-target sa cyberattacks.
Vibe coding, na ginagamit ang AI para mabilis gumawa ng functional modules, ay nagdadala rin ng malaking panganib kapag na-deploy sa software o business processes. Agentic AI naman kapag nag-malfunction o na-kompromiso, puwede itong makasira sa supply chains o magbawas ng pera nang hindi agad napapansin.
Legacy systems ay nananatiling malaking banta sa 2026. Ransomware ay inaasahang magiging AI-powered at self-managing, may kakayahan pang makipag-negotiate gamit ang “extortion bots.” AI-powered RaaS platforms ay mas magpapadali sa cybercrime para sa lahat.
Trend Micro ay nagbabala na dapat palakasin ng mga kumpanya ang security sa AI deployments, cloud operations, at software supply chains upang maging handa sa hamon ng cybercrime sa 2026.




