



Ang LEGO at Netflix ay naglabas ng bagong Stranger Things: Creel House set na may 2,593 piraso. Ito ang unang transforming house ng LEGO, na kayang bumukas gamit ang nakatagong mekanismo. Kapag nahati ang bahay, lumalabas ang Vecna’s Mind Lair at ang kilalang grandfather clock.
Ipinapakita ng set ang detalyadong hitsura ng gothic manor mula sa serye. May pitong kwarto, kabilang ang sketch ng Mind Flayer, cassette tape ni Max, at ang nakakatakot na upstairs hallway. May kasama rin itong 13 minifigures tulad nina Eleven, Max, Vecna, at pati ang Duffer Brothers.
Sinabi nina Ross at Matt Duffer na “surreal” makita ang Stranger Things sa LEGO form, lalo na habang papasok na ang serye sa huling season nito. Para sa kanila, ang Creel House set ay isang malaking tribute sa show at sa fans.
Available ang LEGO Icons Stranger Things: Creel House (11370) para sa LEGO Insiders sa January 1, 2026, at para sa lahat ng shoppers sa January 4, 2026.




