
Ang isang lalaki, 25 anyos, ay sugatan matapos barilin ng kainuman sa loob ng bar sa Tagum City, Davao del Norte nitong Lunes ng madaling araw.
Base sa salaysay ng waitress sa bar, maayos pa umano ang inuman ng biktima at ng suspek na si “Jecmar” sa Purok Bayanihan, Brgy. Magugpo West bago biglang nagalit ang suspek.
Umuwing dahilan ng galit, inagaw umano ng biktima ang kantang gusto niyang kantahin sa videoke. Dahil dito, bumunot ang suspek ng baril at binaril ang biktima sa baba o panga.
Pagkatapos ng insidente, dali-dali umanong tumakas ang suspek. Ayon sa pulisya, posibleng napuno na ang suspek dahil madalas umagaw ang biktima ng mga kantang pinipili niya.
Ginagamot na sa ospital ang biktima habang patuloy ang imbestigasyon at hot pursuit ng pulisya upang mahuli ang suspek.




