
Matapos ang pitong taon ng saya, inanunsyo ng Electronic Arts (EA) na tuluyan nang magsasara ang Sims Mobile sa Enero 20, 2026. Isa ito sa pinakasikat na life simulation game sa mobile, ngunit magpapaalam na ito sa mga manlalaro.
Bilang pamamaalam, nagbigay ang EA ng final update noong Oktubre 20 kung saan may unlimited energy na lahat ng players. Sa Enero 6, 2026, lahat ng Build Mode at Create A Sim content ay magiging libre at unlocked para sa lahat, kahit anong level.
Ang laro ay tinanggal na rin sa App Store at Google Play noong Oktubre 21, kaya hindi na ito mada-download ng mga bagong user. Paalala rin ng EA na walang refund para sa mga hindi nagamit na in-game money pagkatapos ng Enero 20, 2026.
May hinala ang mga fans na ang pagsasara ay paghahanda para sa bagong cross-platform game ng EA na tinatawag na Project Rene. Maraming manlalaro ang nalungkot pero nagpapasalamat sa pitong taon ng kasiyahan at creativity na ibinigay ng Sims Mobile.




