
Ang aktres at kapatid ni Emmanuelle “Emman” Atienza na si Eliana Atienza ay naglabas ng emosyonal na mensahe sa social media matapos ang pagpanaw ng kanyang nakababatang kapatid.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Eliana ang sakit at pangungulila sa pagkawala ni Emman, 19, kalakip ang ilang litrato nila mula pagkabata hanggang ngayon.
“I miss you, Emman, with everything that I am and will ever be,” sulat ni Eliana. “I see you in the sunlight between the trees and in the stars above. Sana marinig mo ako kahit nasaan ka man. Tawagan mo ako, ha?”
Ibinahagi rin ni Eliana ang kanilang mga pangarap na magtulungan para sa isang mas magandang mundo para sa kanilang mga magiging anak. “We were supposed to co-create a better world… I hope this message reaches you,” dagdag pa niya.
Si Emman, bunsong anak nina Kim Atienza at Felicia Atienza, ay pumanaw kamakailan. Kumpirmado ng pamilya ang pagp




