
Ang MMDA Motorcycle Riding Academy ay nagdiwang ng ika-2 anibersaryo sa Pasig City na may temang “Two Years of Safe Riding: A Success of Cooperation and Discipline.” Layunin ng programa na bawasan ang aksidente sa motorsiklo sa pamamagitan ng tamang disiplina at kaalaman sa kalsada.
Patuloy na nagbibigay ang MMDA Riding School ng 2-day basic motorcycle riding course. Kasama rito ang mga paksa tulad ng traffic rules and regulations, basic emergency response, orientation ng parts, at fundamental riding skills. Libre ang enrollment at malaking tulong para sa mga baguhang rider.
Sa selebrasyon, iba’t ibang aktibidad ang isinagawa upang ipromote ang responsableng pagmamaneho. Nagkaroon ng safety booths, riding gear exhibits, at gymkhana demonstrations. Dumalo rin ang mga motorcycle groups at ride-hailing companies bilang suporta sa layunin ng MMDA.
Ngayong nasa ikalawang taon, malinaw na ang Riding Academy ay naging mahalagang hakbang sa paghubog ng mas disiplinadong rider at mas ligtas na kalsada para sa lahat.
Para makapag-enroll, kailangan lamang magsumite ng photocopy ng driver’s license o student permit, medical certificate, at waiver.