
Ang Pangalawang Pangulo Sara Duterte ay nilinaw nitong Martes na hindi niya hiniling ang pagbibitiw ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga isyu sa pamahalaan.
Ayon kay Duterte, ang dapat gawin ni Marcos ay sumailalim sa drug test bilang sagot sa hamon ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez.
“Hanggang ngayon, ayaw niyang gawin. Para sa akin, betrayal of public trust ‘yon,” ani Duterte sa panayam sa Zamboanga.
Dagdag pa niya, ang mga panawagang “Marcos resign” ay walang saysay.
“Hindi magre-resign yan. Kita niyo ba yung tatay? Umupo ng 20 years. Tingnan niyo yung DNA—ayaw umalis sa puwesto,” sabi pa ni Duterte.
“Ang hinihingi ko lang, gawin niya ang trabaho niya. Lahat naman tayo alam na hindi niya ginagawa,” dagdag pa ng Bise Presidente.
Noong Setyembre 21, ilang grupo ang nanawagan ng pagbibitiw ni Marcos Jr. dahil sa isyu ng korapsyon sa mga proyekto ng flood control na nagkakahalaga ng bilyong piso.