
Ang sikat na aktres na si Megan Fox ay opisyal nang sasali sa Five Nights at Freddy’s 2 bilang boses ni Toy Chica. Inanunsyo ito sa isang event at inaasahang ipapalabas ang sequel sa mga sinehan sa December 5, 2025. Ang pelikula ay may tagline na: “Anyone can survive five nights. This time, there will be no second chances.”
Balik din si Director Emma Tammi at kasama muli sa cast sina Josh Hutcherson, Matthew Lillard, at Elizabeth Lail. Makakasama nila ang mga bagong artista tulad nina Wayne Knight, McKenna Grace, at Skeet Ulrich na muling makakatrabaho si Lillard matapos ang kanilang horror classic.
Para sa Toy Animatronics, kumpleto na rin ang line-up. Si Megan Fox ang gaganap na boses ni Toy Chica, habang ang content creator na si MatPat ang magiging boses ni Toy Bonnie, at si Kellen Goff naman para kay Toy Freddy.
Ang unang pelikula ay kumita ng halos ₱17 bilyon sa buong mundo, at inaasahang mas magiging nakakatakot at puno ng aksyon ang bagong kabanata. Excited na ang fans na muling bumalik sa madugong mundo ng Freddy Fazbear’s Pizza.