
Ang bagong album ni Taylor Swift na Life of a Showgirl ay pumalo agad sa No. 1 sa Billboard 200.
Nakamit nito ang record-breaking na 4.002 million units sa unang linggo. Katumbas ito ng humigit-kumulang ₱240 milyon, kasama ang 3.47 million album sales at 522,600 streaming units (680.9 million streams).
Ang Life of a Showgirl ngayon ang may pinakamalaking benta sa isang linggo mula pa noong 1991.
Nalampasan ni Swift ang dating record ni Adele para sa pinakamataas na single-week sales at album units.
Si Taylor Swift ay umakyat din sa listahan ng may pinakamaraming No. 1 albums.
Lumampas na siya kina Drake at JAY-Z at pumwesto bilang pangalawa sa pinakamaraming No. 1s, kasunod ng The Beatles.
Kasama sa iba pang nasa Top 10 ngayong linggo sina Morgan Wallen, Cardi B, Sabrina Carpenter, Bad Bunny, Olivia Dean, Alex Warren, at SZA.