
Ang Pilipinas ay nagbabalak gumamit ng retina scan technology para sa bank transactions at gov’t systems, ayon sa DICT. Target nito ang mas ligtas na digital payment schemes sa bansa.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, gagamitin ang World’s Orb devices para makilala ang tao laban sa bots. Maaari rin itong gamitin sa cash aid programs ng gobyerno para masigurong tamang beneficiaries ang nakakatanggap ng ayuda.
Sinabi ni Aguda na nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga bangko at sa CICC para gumawa ng kasunduan na magbibigay proteksyon sa privacy ng mga tao. Binanggit din niya na ang bawat indibidwal ang dapat may kontrol kung ibibigay o hindi ang kanilang private information.
Dagdag pa rito, pinaigting ng gobyerno ang laban kontra scams lalo na ngayong papalapit ang holiday season kung saan tumataas ang banking transactions at spending. Gagamit ng AI technology para mas mabilis na matukoy at maiwasan ang mga panloloko.
Wala pang tiyak na petsa kung kailan ilulunsad ang retina scan tech sa bansa. Ngunit inaasahan ng DICT na ito ay magiging mas madalas gamitin kapag mas marami nang platform ang nagpatupad nito. Libre rin itong gagamitin, at kailangan lang nakarehistro ang mga institusyon sa World.