Ang aktor na si Jake Cuenca ay nagsalita sa gitna ng usap-usapan tungkol sa hiwalayan nila ni Chie Filomeno. Ayon kay Jake, “tapos na ang kabanata ng buhay ko na ‘yon” at tinanggap na niya ang lahat ng nangyari.
Inamin ng aktor na malalim ang pagmamahal niya sa dating karelasyon, ngunit pinili niyang huwag na magdagdag ng isyu. Aniya, mahalaga sa kanya ang respeto at hanggang ngayon ay nirerespeto pa rin niya ang dalaga.
Ngayong single na si Jake, nakatutok siya sa kanyang career. Abala siya sa taping ng FPJ’s Batang Quiapo at isa pang bagong serye. Ayon sa kanya, halos anim na araw kada linggo ang trabaho kaya halos wala na siyang oras para sa sarili.
Ibinahagi rin ni Jake na mahirap ang pinagdadaanan, ngunit natuto siyang alagaan ang kanyang sarili at alalahanin ang kanyang self-worth. Pinagmamalaki niyang hinarap niya ang sitwasyon “bilang isang lalaki” at hindi na pinalala pa ang sitwasyon.
Para kay Jake, mahalaga ang bawat relasyon na pinagdaanan niya. Aniya, mas naging mas matatag at mas mabuting tao siya matapos ang lahat, at handa na siyang magpatuloy sa bagong yugto ng kanyang buhay.