Ang Land Transportation Office (LTO) ay inanunsyo na simula Nobyembre 1, 2025, bawal na ang paggamit ng temporary at improvised plates para sa lahat ng sasakyan, dalawang gulong man o apat. Ito ay matapos maayos ng LTO ang backlog ng mga plaka.
Ang mahuhuli na gumagamit pa rin ng improvised o temporary plates ay pagmumultahin ng ₱5,000 at kukumpiskahin ang kanilang plaka, base sa Joint Administrative Order 2014-001. Hindi rin tatanggapin para sa rehistro ang mga sasakyan na gumagamit pa ng ganitong uri ng plaka.
Ayon kay LTO Chief, Atty. Vigor Mendoza II, pinapayuhan ang mga motorista na kunin na ang kanilang plaka bago matapos ang buwan ng Oktubre upang maiwasan ang abala at multa.
Pinapayagan lamang ang paggamit ng improvised plate kung may pahintulot mula sa LTO at kung ito ay opisyal na inaprubahan bilang kapalit ng nawalang or nasirang plaka. Dapat din nakasulat dito ang assigned plate number ng sasakyan at ang salitang “Improvised Plate.”
Ang patakarang ito ay bahagi ng mas pinaigting na programa ng LTO upang masigurong mabilis at maayos ang pamamahagi ng mga plaka, at kasabay nito ang panuntunang dapat sabay na makukuha ang OR/CR at license plate sa bawat bagong biling sasakyan.