Ang FIFA ay nagpakilala ng opisyal na bola para sa 2026 World Cup na tatawaging Trionda. Inilunsad ito sa New York, tampok ang makabagong teknolohiya at disenyo na kumakatawan sa tatlong host countries: Estados Unidos, Mexico at Canada.
Ang Trionda ay likha ng Adidas na gumagawa ng opisyal na World Cup balls mula pa noong 1970. Ang pangalan at disenyo nito ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng tatlong bansa, gamit ang kulay pula, asul at berde. Makikita rin ang mga maple leaves mula sa Canada, agila ng Mexico, at mga bituin ng Estados Unidos, kasama ang hugis tatsulok bilang tanda ng pagkakaisa.
May kasamang high-tech features ang bola. May malalim na tahi para sa mas matatag na lipad, at embossed icons para sa mas magandang kapit kahit basa ang bola. Nakalagay rin ang motion sensor chip na nagbibigay ng real-time data sa VAR system.
Ang 2026 World Cup ay gaganapin mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 19. May 48 teams mula sa iba’t ibang bansa ang maglalaro sa tatlong host nations. Ayon sa FIFA, mahigit ₱270 milyon na fans (katumbas ng 4.5 milyon na tao) mula sa 216 na bansa ang sumali na sa ticket presale draw.
Gaganapin ang official draw sa Disyembre 5 sa Washington. Ito ang isa sa pinakamalaking hakbang papunta sa 2026 W