Ang Warren Buffett ay tuluyan nang lumabas sa BYD, tinapos ang 17 taong investment. Ayon sa ulat, ang hawak na investment sa Chinese automaker ay bumaba na sa zero, mula sa humigit-kumulang ₱23.6 bilyon noong dulo ng 2024.
Noong 2008, nag-invest ang kumpanya niya ng ₱13.1 bilyon para sa halos 225 milyon shares, katumbas ng 10% stake noon. Mula 2022, unti-unti na niyang ibinenta ang shares matapos tumaas nang higit 20 beses ang presyo.
Nagpasalamat si Li Yunfei, general manager ng BYD, sa naging tulong at investment sa loob ng 17 taon. Sinabi niya na ang pagbebenta ay bahagi lang ng normal na stock trading.
Kasabay ng pag-exit ni Buffett, bumaba rin ang benta ng BYD sa China sa ika-apat na sunod na buwan nitong Agosto. Dahil dito, binawasan ang target na benta ng hanggang 16%, o nasa 4.6 milyong sasakyan ngayong taon.