Ang Porsche 911 Turbo S ay dumating na ngayon bilang hybrid at ito ang pinaka-malakas na production 911 sa kasaysayan. May T-Hybrid system na pinagsasama ang 3.6-liter twin-turbo flat-six engine at electric motor, kaya nakakagawa ito ng 701 horsepower at 590 lb-ft torque.
Kaya nitong umabot mula 0 hanggang 100 km/h sa loob ng 2.4 segundo, mas mabilis kumpara sa dating modelo. Sa Nürburgring track, mas mabilis din ito ng 14 segundo, na patunay ng mas mahusay na agility at stability.
Para kayanin ang dagdag na lakas, nilagyan ito ng pinakamalaking carbon-ceramic brake system sa isang 911 at mas malapad na gulong sa likod para sa mas kapit sa kalsada. Mayroon din itong active aerodynamics gaya ng cooling flaps at adjustable rear wing, para manatiling matatag sa 200 mph (322 km/h) top speed.
Magsisimula ang presyo sa ₱15,400,000 para sa coupe at ₱16,200,000 para sa cabriolet. Available na ito i-order at unang ihahatid sa Spring 2026. Isang malinaw na patunay na kayang magsama ang electrification at performance sa iisang sasakyan.