Ang PBA Season 50 ay mas pinaganda matapos ang pagpupulong ng board sa Las Vegas, kung saan pinlantsa ang mga kaganapan para sa October 4 at 5 bilang simula ng golden season.
Unang usapin ang botohan ng mga bagong opisyal. Nais pa ring kumbinsihin si Ricky Vargas, governor ng TNT Tropang 5G, na manatili bilang chairman. Kung pumayag siya, ito ang magiging ika-siyam na sunod na termino niya. Siya rin ay nakatakdang maging chef de mission ng Team Philippines sa 2028 Olympics sa Los Angeles.
Dumating sa Vegas sina Commissioner Willie Marcial, Vice Chairman Alfrancis Chua, at iba pang mga team governors. Kabilang sa mga tatalakayin ang ulat ng Season 49 at ang posibleng pagbebenta ng NorthPort Batang Pier sa halagang tinatayang nasa ₱2.3 bilyon sa kumpanyang Pureblends.
Season 50 magsisimula sa isang engrandeng opening sa Araneta Coliseum sa Agosto 5, kasabay ng Leo Awards sa Novotel. May fans day din sa Big Dome at isang espesyal na reunion ng mga dating PBA players sa Meralco Theater.
Kasama rin sa summit ang pag-apruba sa season calendar, tournament formats, at mga bagong rules na gagamitin sa Season 50.