
Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nag-anunsyo ng suspension ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, pati na rin ang trabaho sa gobyerno sa ilang lugar ngayong Lunes, Setyembre 1, dahil sa malakas na ulan at banta ng pagbaha.
Ayon sa PAGASA, may binabantayang low pressure area na nasa 580 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes. Mababa ang tsansa nitong maging bagyo sa loob ng 24 oras pero posible pa rin magdala ng masamang panahon.
Narito ang listahan ng mga lugar na may walang pasok:
NCR (Metro Manila)
Lahat ng lungsod at munisipyo
Region III (Central Luzon)
Bulacan
Pampanga
Region IV-A (CALABARZON)
Cavite
Laguna
Quezon
Rizal
Region V (Bicol Region)
Camarines Norte
Camarines Sur
Albay
Catanduanes
Sorsogon
Masbate
Region IV-B (MIMAROPA)
Occidental Mindoro
Region VI (Western Visayas)
Antique
Negros Occidental
Region VIII (Eastern Visayas)
Northern Samar
Dahil sa malakas na pag-ulan, pinayuhan ang publiko na manatiling alerto at mag-ingat lalo na sa mga mabababang lugar na madalas bahain.