
Confession ko ito. Ako si 35F, halos 20 years na kaming magkasama ng partner kong 36M. Ang tagal na naming magkasama, dumaan sa dami ng pagsubok at hirap, pero ngayong nasa punto na ako na parang hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin.
Noong unang taon pa lang ng panganay namin, nagkaroon siya ng crush sa ka-work. Sabi niya noon, may boyfriend daw yung babae, pero sa huli nalaman ko na babae pala talaga ang gusto niya. Sa kabila nun, hindi ko siya iniwan. Sabi ng tatay ko, ayusin na lang namin para sa anak namin. Kaya kahit masakit, tiniis ko at pinili kong manatili.
Pero fast forward ngayong taon, nagloko ulit siya. May bagong admin na 24F, at ramdam ko pa lang, iba na ang trato niya. Lagi niyang tinutulungan sa reports, samantalang sa iba, mahigpit siya bilang supervisor. Nang i-add niya sa Facebook yung babae, nag-away kami dahil ayoko, pero ako pa ang tinawag niyang praning. Hanggang sa isang araw, nahuli ko ang secret Viber chat nila.
Doon ko napatunayan ang kutob ko. Nakita ko kung paano niya nililigawan yung babae. Ang masakit pa, pinag-uusapan nila ako. Sinabi pa ng babae na takot siya sa akin, kaya daw ayaw makipaglapit. Pero kahit ganon, tuloy pa rin ang chat at kita nila after work. May mga message pa na nagsasabi ng I love you, pati picture na sinend niya sa araw mismo ng birthday ng panganay namin. At higit sa lahat, may photo sa phone niya na kita ang katawan ng babae — yun ang pinakamasakit.
Ilang buwan ko nang sinasabi sa partner ko na layuan niya yung babae, pero sa huli nagloko pa rin. Noong nahuli ko siya, umiyak siya, nakipag-usap ulit, at sa bandang huli, pamilya pa rin daw ang pipiliin niya. Kaya heto ako, nag-aadjust, nagtiis ulit, para sa mga anak namin. Pero sa totoo lang, sobrang sakit. Minsan naiisip ko, bakit ganito? Ako naman ang pinili, pero bakit parang ako pa ang kailangang magbago at magpatawad lagi?
Oo, siya ang kasama ko, siya ang partner ko, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang dalhin ang lahat ng ito. Kaya ngayon, ito na lang ang paraan ko — ang maglabas ng bigat ng loob dito. Kasi baka sa pagbabahagi ko, may ibang kagaya kong nakaranas din ng ganito, at maintindihan nila kung gaano kahirap ang maging ako.