Ang civil defense agency sa Gaza ay nag-ulat na 20 katao ang napatay, kabilang ang 5 mamamahayag, matapos tamaan ng airstrike ang Nasser Hospital sa Khan Yunis. Kasama sa nasawi ang isang photojournalist at ilang media workers na nagkokober ng sitwasyon.
Ayon sa ulat, isang drone ang unang bumagsak sa gusali ng ospital, kasunod ng isa pang airstrike habang nililigtas ang mga sugatan. Sinabi ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na ang nangyari ay isang “malungkot na pagkakamali” at nagpahayag ng pagdadalamhati sa mga sibilyan at mamamahayag na nadamay.
Nakilala ang ilan sa mga namatay na mamamahayag gaya nina Mariam Dagga, Mohammad Salama, at Hussam al-Masri. Isa pang mamamahayag, si Hassan Douhan, ay napatay rin sa ibang pag-atake sa Khan Yunis.
Ang mga saksi ay naglarawan ng makapal na usok, duguan na katawan, at mga taong nagmamadaling magsalba ng mga biktima. Ang Nasser Hospital ay isa sa iilang natitirang gumagana sa Gaza, kaya’t ang pagkakatama nito ay nagdulot ng matinding pangamba.
Ipinahayag ng mga kapamilya ng mga nasawi na hindi matitigil ang pagbabalita sa kabila ng panganib. “Magpapatuloy ang coverage, sa tulong ng Diyos,” ayon sa kapatid ni Masri.