Ang CIDG ay nakasamsam ng mahigit P2 milyon halaga ng pekeng sapatos sa isang shopping center sa Pasay City nitong Huwebes ng hapon.
Siyam na katao ang naaresto matapos mahuli sa aktong nagbebenta at naglalagay ng tatak sa mga sapatos.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ang anim na stall kung saan nakuha ang humigit-kumulang 738 pares ng pekeng sapatos.
Ang mga suspek ay nahaharap ngayon sa kaso sa ilalim ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code.
Ang operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa pagbebenta ng peke at hindi lisensyadong produkto sa lungsod.