
Ang Netflix ay nag-anunsyo ng petsa ng premiere ng Monster: The Ed Gein Story na gaganapin sa Oktubre 3. Tampok dito si Charlie Hunnam bilang kilalang mamamatay-tao na tinaguriang Butcher of Plainfield.
Itong bagong season mula kina Ryan Murphy at Ian Brennan ay magpapakita kung paano naging “singular ghoul” si Ed Gein. Ayon sa opisyal na pahayag, “Monster: The Ed Gein Story ay naglalarawan kung paanong isang simpleng tao mula Plainfield, Wisconsin ay naging isa sa pinakamalupit na kriminal. Pinakita niya sa mundo ang katotohanan — ang mga halimaw ay hindi ipinapanganak, kundi nililikha … ng lipunan.”
Kasama ni Hunnam sa cast sina Suzanna Son, Tom Hollander, Laurie Metcalf, Vicky Krieps, Olivia Williams, Joey Pollari, Tyler Jacob Moore, Charlie Hall, Will Brill, Mimi Kennedy, Robin Weigert, at Lesley Manville.
Si Ed Gein ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen mula late ’40s hanggang late ’50s. Nahuli siya sa pagpatay ng dalawang babae pero pinaghihinalaang pumatay pa ng pito. Siya rin ay naghukay ng mga bangkay sa sementeryo para gumawa ng mga kakaibang gamit. Ang kanyang obsession sa kanyang ina ang naging inspirasyon ng mga horror classic tulad ng Psycho, Silence of the Lambs, at Texas Chain Saw Massacre.
Huwag palampasin ang Monster: The Ed Gein Story na mapapanood simula Oktubre 3 sa Netflix.
eyhl7x