Ang aktres na si Nadine Lustre ay naglabas ng saloobin tungkol sa galit at lungkot ng mga Pilipino dahil sa isyu ng maling paggamit ng pera para sa mga proyekto sa pagbaha. Ayon sa kanya, “Nakakagalit at nakakalungkot na ang binabayad nating buwis napupunta sa maling paraan. Nakakainis talaga.”
Binanggit din niya na mahalaga na patuloy na magsalita ang mga tao. “Kapag nagsalita ka, may mangyayari. Bayad tayo ng buwis para tulungan at ayusin ang sitwasyon ng tao, kaya dapat managot sila,” sabi pa ni Lustre.
Aminado siya na nakaka-discourage, pero iginiit niya na dapat ay may pananagutan. Dagdag niya, “Gusto mong maging good payer kasi iyon ang ambag mo sa bansa, pero nakakawalang gana kung hindi nagagamit sa tama.”
Bilang inspirasyon, binanggit ni Nadine si Vice Ganda, na aniya ay laging matapang magsalita. “Dapat lahat tayo outspoken. Si Meme, hindi siya natatakot magsabi ng nasa isip niya. Sa panahon ngayon, kailangan nating magsalita, kung hindi, walang mangyayari.”