
Ang dalawang Low Pressure Area (LPA) ay namataan ng PAGASA ngayong Miyerkules, Agosto 27. Isa sa mga ito ay nasa paligid ng Patnanungan, Quezon at magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon. Hindi ito inaasahang magiging bagyo.
Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng ulan at thunderstorm ang Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon at CALABARZON. Nagbabala rin sila sa posibleng flash flood at landslide dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.
Isa pang LPA ang namataan sa layong 200 kilometro mula sa Dagupan, Pangasinan, ngunit wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Samantala, ang Habagat ay magdadala rin ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao. Ang ibang bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may paminsang pag-ulan o thunderstorm.