
Ang Nigeria ay nagpa-deport ng 102 dayuhan, kabilang ang 60 Chinese at 39 Pilipino, na nahatulan sa cyber-terrorism at internet fraud, ayon sa kanilang anti-corruption agency.
Ayon sa ulat, may kasama ring mga mula sa Kazakhstan at iba pang bansa na pabalik na rin sa kanilang pinagmulan. Inaasahan pa ang karagdagang deportasyon sa mga darating na araw.
Ang mga deportado ay kabilang sa 792 na suspek na inaresto noong nakaraang Disyembre sa isang operasyon sa Victoria Island, Lagos. Sa bilang na iyon, mahigit 192 ang mga dayuhan.
Ayon sa imbestigasyon, ang mga dayuhang sindikato ay gumagamit ng mga Nigerian accomplices upang maghanap ng biktima online. Kadalasan nilang tina-target ang mga Amerikano, Canadians, Mexicans at mga taga-Europe, sa pamamagitan ng phishing scams kung saan hinihingi ang pera o sensitibong impormasyon tulad ng password.
Tinatayang bilyon-bilyong piso ang nalulugi mula sa ganitong uri ng online scam, at patuloy ang babala ng mga eksperto laban sa cybercrime syndicates na nagsasamantala sa mahina pang cybersecurity sa bansa.