
Ang pamilya ko ay broken family. 8 kaming magkakapatid at mula bata ako, ako na ang nag-alaga sa kapatid kong bunso. Tumigil pa ako sa pag-aaral para maalagaan siya. Noong nagka-asawa na ako at nagkaroon ng 3 anak, kinuha ko rin ang bunso para ipagpatuloy ang pag-aaral niya at tratuhin siyang parang prinsesa sa bahay.
Isang araw, nagkasakit ang bunso at biglang nahimatay sa bahay nila Mama. Dinala namin siya sa ospital, pina-check up at pina-PT. Doon namin nalaman na buntis pala siya. Galit na galit si Mama, ako naman halos hindi makahinga sa kaba. Pinilit naming tanungin kung sino ang nakabuntis, pero nanatili siyang tahimik.
Sa mga araw na lumipas, napansin ko na ang asawa ko ay laging tulala, parang may mabigat na iniisip. Madalas pa niya akong tanungin kung may alam ba akong “mabisang paraan” para sa p*laglag. Hindi ko masyado pinansin, akala ko biro lang. Hanggang sa isang gabi, habang nasa labas kami, bigla siyang nagtanong:
“Paano kung ako ang nakabuntis sa kapatid mo?”
Akala ko biro, pero bigla siyang umiyak at doon niya inamin ang lahat.
Parang gumuho ang mundo ko. Ang asawang akala ko tapat at hindi ako lolokohin, siya pala mismo ang gumawa ng bagay na hindi ko akalain. At ang pinakamasakit, sa kapatid ko pang bunso na halos anak na ang turing ko. Umiiyak siya habang sinasabi na “nadala lang daw siya” dahil laging malapit si bunso sa kanya. Sabi niya, bago pa man kami ikasal, muntikan na raw siyang pumatol pa sa bayaw ko, kaya lalo akong nasaktan. Dahil doon, napilitan akong paalisin si bunso sa bahay.
Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin malimutan ang sakit. Gusto ko sanang umalis at iwan siya para makalimot, pero hindi ko magawa. Maliit pa ang mga anak namin at wala akong mapagkatiwalaan. Ang mga magulang ko ay hindi rin maaasahan, kaya kailangan kong tiisin.
Sa kabila ng lahat, nananatili akong matatag para sa mga anak ko. Ang asawa ko, kahit nagkamali siya, ngayon ay nagsisikap maging mabuting ama at provider. Aminin ko, sobrang hirap tanggapin, pero iniisip ko na minsan sa buhay, nagkakamali ang tao. Kahit mahirap, pinipilit kong intindihin ang nangyari at lumaban para sa pamilya ko.