
Ang isang 21-anyos na lalaki sa San Pablo, Laguna ay naaresto matapos ireklamo ng kanyang dating karelasyon dahil sa online harassment.
Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, ginagamit ng suspek ang mga larawan at video ng biktima para sa blackmail. Pinagbantaan pa umano niya ang babae na ipapakita ang malalaswang video at larawan sa kanyang asawa at mga kakilala kung hindi siya makikipagkita para makipagtalik.
Nahuli ang lalaki sa pamamagitan ng isang entrapment operation matapos magreklamo ang biktima. Payo ng pulisya: “Wag natin hayaan na abusuhin tayo. Kung kayo ay nakakaranas ng online abuse o harassment, agad lumapit sa PNP ACG.”
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong grave coercion sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act. Kung mapatunayang guilty, maaari siyang magmulta ng hanggang ₱100,000 o makulong depende sa hatol ng korte.