
Ang modelong si Georgina Rodriguez ay inanunsiyo ang engagement niya sa Portuguese football star na si Cristiano Ronaldo nitong Lunes.
Nagbahagi si Georgina ng larawan na may suot na singsing sa kanyang daliri, kalakip ang caption na, “Yes I do. In this and in all my lives.”
Magkasama na ang dalawa mula pa noong 2016, matapos silang magkakilala sa isang Gucci store sa Madrid habang naglalaro si Ronaldo para sa Real Madrid. May tatlo na silang anak ngayon.
Kamakailan ay pinalawig ni Ronaldo ang kanyang kontrata sa Saudi football club na Al-Nassr para sa dagdag na dalawang taon. Nang pumirma siya noong 2023, naging mas maluwag umano ang ilang batas sa bansa, kabilang ang pagbabawal sa pagsasama ng hindi pa kasal na mag-partner.