
Ang sikat na rapper na si Flow G ay inanunsyo ang kanyang unang album na pinamagatang ‘247’. Ayon sa kanya, lalabas ang album ngayong buwan ng Agosto, kahit na hindi pa tiyak ang eksaktong petsa. Sa isang teaser na inilabas niya sa social media, pinakita rin niya na magkakaroon ng bagong music video para sa isa sa mga kanta sa album.
Ilan sa mga kanta sa track list ng album ay ang mga sumusunod:
Sargo
Telebabad
Amat na
247
Big Dream
Gotchu
8080
Lokal
Huh?
Reply
Lagi
Ayos ba?
Limang taon na si Flow G sa music scene bilang solo artist, simula nang lumabas ang kanyang unang single na “Unli.” Kahit marami na siyang mga hit songs gaya ng “Pauwi Nako,” “Need You,” at “Rapstar,” ngayon lang siya magkakaroon ng full album.
Ngayong taon, naglabas na siya ng tatlong bagong singles, kabilang ang “PNYT” kasama si NOBITA, “Mala Sv,” at “Takot” kasama sina Jnske at iba pa.