
Ang Office of the Vice President (OVP) ay nagbabala sa publiko tungkol sa isang pekeng post sa social media na nagsasabing namimigay sila ng ₱10,000 ayuda o tulong pinansyal.
Ayon sa OVP, ang kumakalat na anunsyo ay hindi totoo at isa lamang scam. Nakalagay pa sa post ang mga logo ng ahensya ng gobyerno at larawan ni Vice President Sara Duterte para magmukhang lehitimo.
Nilinaw ng OVP na wala silang ganitong programa at hindi ito bahagi ng anumang proyekto ni Duterte. Pinayuhan din ang publiko na mag-ingat at huwag magpaloko sa ganitong uri ng panlilinlang.
Kung may impormasyon tungkol sa mga nasa likod ng pekeng anunsyo, agad itong i-report sa Philippine National Police upang maagapan ang pagkalat ng maling impormasyon.